-- Advertisements --
Mount Everest
Mount Everest

Patay ang tatlong Indian mountain climber at Nepali guide dahil sa labis na kapaguran sa pag-akyat sa Mount Everest.

Mayroong kabuuang 120 climbers ang nagtungo sa pinakamataas na bundok sa buong mundo ngayong climbing season.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, na-dehydrate at napagod ng sobra ang mga biktimang dalawang babae.

Nagkaroon naman ng pagbagal sa pagbaba ng mga climbers dahil sa dami ng mga taong nagtungo.

Umabot na sa kabuuang pitong katao ang namatay dahil sa pag-akyat sa nasabing bundok.

Ngayong taon ay naglabas ng 379 na permit para sa mga climbers ang Nepal.

Taon-taon ay dinarayo ang nasabing bundok na may kabuuang taas na 29,035.