Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na apat na coastal areas ang nakitang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakukuha mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pagkosumo sa pagkain.
Kabilang dito ang baybaying tubig ng Milagros sa Masbate, baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay naman sa Surigao del Sur.
Ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas para sa pagkain ng tao basta’t ang mga ito ay sariwa at hugasan ng maigi bago lutuin.
Una rito, sinabi ng Bureau Of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang San Pedro Bay sa Samar ay hindi na apektado ng nakakalason na red tide.