-- Advertisements --

ROXAS CITY – Dalawa patay, dalawa sugatan matapos makuryente sa Barangay Bulwang, Numancia, Aklan.

Kinilala ang mga namatay na sina Andmor Llanto, 42 anyos ng Barangay Bago, Roxas City at Christiano Talabucon, 32 anyos ng Barangay Banica, Roxas City.

Habang patuloy na ginagamot sa ospital sina Rolan Bolido, 31 anyos at Jovit Dulaca, 29 anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lieutenant Moonyen De Joseph, tagapagsalita ng Numancia Municipal Police Station, pinagtulungan umanong buhatin nina Llanto, Talabucon at Bolido ang hagdan na kanilang ginagamit sa ginagawang edipisyo ngunit sumagi ito sa isang live wire na nagresulta sa kanilang pagkakakuryente.

Sinubukan pa silang tulungan ni Dulaca ngunit maging siya ay nakuryente rin.

Dinala sa ospital ang naturang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival sina Llanto at Talabucon.