-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Opisyal nang sumalalim ng religious retreat ang mga miyembro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Transfiguracion Abbey sa Malaybalay City,Bukidnon simula nitong araw.

Kasunod ito ng pagsagawa nila ng opening mass sa San Isidro Labrador Catheral ng Malaybalay City kung saan halos kumpleto na ang mga arsobispo na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kagabi.

Mismo ang obispo ng syudad na si Most Rev. Bishop Noel Pedregosa ang nag-officiate ng opening mass at bilang pag-welcome na rin sa CBCP bishops na nanggaling sa Luzon at Visayas.

Sa maikling laman ng homiliya ni Pedregosa,sume-sentro ito patungkol sa puno ng hamon na misyon ng mga alagad ng simbahan habang tinatahak ang hinangad na kaharian ng Diyos-Ama.

Pinaalala ng obispo na upang maisakatuparan ang mga katuruan ni Kristo-Hesus para sa sangkatauhan,kailangang naka-pokus sa iisang misyon ang simbahan gamit ang ,selibasiya,kalinisnag-puri,pagka-masunurin at handang tumugon sa hamon ng kahirapan na dinanas sa kasalukuyang panahon.