Ilang araw bago ang Valentine’s Day, ipinahayag na ni Ruffa Gutierrez na siya ay “happily single” sa loob ng dalawang taon.
November 2020 nang ibunyag ni Ruffa na tinapos na nila ng French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal ang kanilang anim na taon na pagsasama.
Ayon sa 46-year-old beauty queen turned actress, sadyang madali lang kasi ma-inlove pero kailangan ng effort para manatili ang naturang pakiramdam sa isang tao.
Gayunman, nabunutunan na aniya siya ng tinik sa dibdib pero umaasa na balang araw ay magkukrus din ang landas nila ng tamang lalaki na inilaan ng Diyos para maging kanyang “forever.”
Sawa na raw sa breakups ang Miss World 1993 second runner-up, kaya focus na lamang muna ang kanyang career at dalawang anak na ngayon ay edad 16 at 17-anyos na.
“And now, I’m at the point in my life where ayoko na ng detours. I’ll just stay happy and wait for my forever love,” saad nito sa pep.
Taong 2003 nang ikinasal si Ruffa sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, pero naghiwalay noong 2007.
Sa showbiz naman, kabilang sa mga naging karelasyon niya ay sina Zoren Legaspi, Aga Muhlach, at John Lloyd Cruz.