-- Advertisements --

MAGUINDANAO – Naghanda na ng apat na ektaryang lupain ang provincial government ng Maguindanao para gawing sementeryo sa mga mamamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Maguindanao Gov. Bai Mariam Mangudadatu, mabuti na raw ang handa dahil hindi pa aniya alam kung kailan matatapos ang pandemya kaya naman naglaan na sila ng lupain.

Dito umano ilalagak ang labi ng mga residenteng mamamatay bunsod ng virus.

Samantala, naatasan na rin ang mga local government units (LGUs) na ipagbigay alam sa mga ulama o ustads na maghanda sakaling lumala pa ang sitwasyon na nararanasan dahil sa COVID-19.