-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na mga estudyante sa pribadong eskwelahan matapos mahuli sa aktong gumagawa ng pot session ng marijuana sa Brgy. Tambak, New Washington, Aklan.

Kinilala ni Major Frenzy Andrade ng Provincial Drugs Enforcement Unit (PDEU)-Aklan, ang mga suspek na sina Robby Prayl Tabulinal Doque, 20; Von Gielo Ambrocio Rebenito, 19; Kenno Dave Dela Torre Supetran, 19, at Angelo Vrian John Agustin Pabayo, 23.

Sa interview ng Bombo Radyo Kalibo kay Maj. Andrade napag-alaman na si Tabulinal ang subject sa operasyon ng Aklan PPO PDEU, New Washington PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Highway Patrol Group (HPG).

Narekober kay Tabulinal ang tatlong sachet ng marijuana kapalit ng P3,000 na buy bust money.

Nabatid na si Tibulinal ang nagbebenta ng droga sa mga estudyante ng iba’t ibang paaralan sa lugar kung saan bumibili ito ng supply sa kalapit probinsya at ibebenta online.