Dinampot ng mga otoridad ang apat na fixer sa Land Transportation Office sa lungsod ng Marikina makaraang si Mayor Marcelino Teodoro mismo ang alukin nila ng serbisyo.
Ayon kay Teodoro, mag-iinspeksyon daw sana ito ng dregding project sa siyudad nang pinara ito ng mga fixer para umano sa LTO registration.
Napansin ni Teodoro na hindi nakauniporme ang mga ito kaya inisip niya na fixer ang mga ito na naghahanap ng kliyente.
Agad naman daw tumawag ang alkalde sa PNP at pinadampot ang mga fixer.
Maliban sa tatlo, may isa pa raw fixer na nahuli ang mga pulis sa isinagawang follow-up.
Sumailalim na aniya ang mga ito sa inquest proceedings para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Sigurado raw si Teodoro na may mga kasabwat at may protektor pa ang mga ito sa loob ng LTO kaya sana raw ay umamin na ang mga fixer.