-- Advertisements --
Clark International Airport
Clark International Airport – Google map photo

CAGAYAN DE ORO CITY – Kanselado ang apat na flights ng Philippine Airlines (PAL) mula sa Laguindingan Internationall Airport sa Misamis Oriental papuntang Clark, Pampanga.

Ito’y dahil sa temporaryong pagsara ng Clark International airport matapos ang malakas na pagyanig noong araw ng Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Karen Anne Diez, Passenger Rights Action Officer ng Civil Aeronautics Board (CAB)-10 batay sa abiso na kanilang natanggap mula sa PAL kabilang sa kinansela ang biyahe ng PR2351 and 2352 (Clark-Cagayan de Oro-Clark), at PR2323 and 2324 (Clark-Cagayan de Oro-Clark).

Ngunit, hindi pa alam ng ahensiya kung ilang pasahero ang apektado ng kanselasyon dahil tanging ang PAL lamang ang maaaring makapagbigay nito.

Napag-alaman na nasira ang iilang bahagi ng terminal ng Clark International airport dahil sa magnitude 6.1 na lindol.