-- Advertisements --
Boracay PNP tourist

KALIBO, Aklan – Kasunod sa unti-unting pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay sa pagsimula ng “ber months,” dumarami na rin ang mga pasaway na dayuhang lumalabag sa mga ordinansa ng bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan.

Ito ay matapos na maaktuhan ang dalawang Chinese nationals na kinilalang sina Zhang Zhi, 30, at Hao Yueran, 35, ng Malay Auxiliary Police na umihi sa front beach ng Station 3, Barangay Manocmanoc, sa nasabing isla.

Ang dalawa ay inisyuhan ng citation ticket dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 311 series of 2012 o an ordinance prohibiting littering, dumping, throwing of garbage, and other waste materials and prescribing penalties for certain acts and ommissions inimical to cleanliness and sanitation.

Sa kabilang dako, hindi rin pinalampas ng mga enforcers ang dalawang Koreano nang mahuling umiinom ng alak sa dalampasigan.

Boracay tourist arrested

Kinilala ang mga dayuhan na sina Changhyeok Lee at Choi Rack Hyun, kapwa nasa legal na edad at kasalukuyang nagbabakasyon sa isla.

Ang dalawang bakasyunista ay tinikitan din sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 319 series of 2012 o an ordinance prohibiting the carrying or clutching of glass bottles of any beverage in the beaches of Boracay island.