Agad na dinomina ng Team Pilipinas ang debut ang obstacle course sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games na ginanap sa Spectrum Midway Avenue sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa City.
Ang mga nasungkit na gold medals ay sa pamamagitan ni Rochelle Suarez sa Individual 100 M x 10 Obstacle (female); Team Philippines sa Mixed Team Relay 400 m x 12 Obstacle, Team Philippines sa Mixed Team Assist 400 m x 12 Obstacle at Kevin Jeffrey Pascua sa Individual 100 M x 10 Obstacle (male).
Habang si Milky Mae Tejares ay nasungkit naman ang Individual 100 m x 10 Obstacle.
Una nang napaulat na inilagay ang obstacle course sa demonstration sports ngayong SEA Games sa Pilipinas dahil tatlong mga bansa lamang ang nagpadala ng mga atleta kasama na ang paglahok ng bansa.
Batay kasi sa patakaran ng SEA Games dapat maging apat na bansa o higit pa ang lalahok para ito ay kilalanin.