-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang pinay midwife habang nasugatan ang tatlo nitong kasamang nurse sa naganap na car accident sa bahagi ng Jalo, Libya

Ang namatay ay si Maria Tessie Genese, midwife na tubong Bacolod City habang mga nasugatan ay sina Mildred Mampon na tubong lalawigan ng Albay, Rolendia Maomi , may-ari ng sasakyan na tubong Tuba, Benguet, at isang nagngangalang Lito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Levi Bermudez, Nurse sa Libya na galing sa kanilang trabaho sa Benghazi,Libya nang sumabog ang gulong ng kanilang sasakyan na nagresulta upang silay maaksidente.

Nakitang nakahandusay sa lansangan si Genese matapos ang naturang aksidente habang ang tatlo ay nasa loob ng sasakyan.

Agad namang isinugod ang mga biktimang Health workers sa pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay si Genese.

Ayon pa kay Ginang Bermudez, naiparating na sa pamilya ng mga OFW ang insidente habang ang mister ni Genese ay nasa Libya rin na nagtatrabaho sa isang oil company.

Hindi pa batid kung ano ang magiging disposition sa labi ng nasawing pinay midwife.

Habang ginagamot pa rin sa pagamutan ang tatlo pang nasugatan.