-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Iprinisenta na kay Maj. Gen. Andres Centino, commanding general ng Philippine Army at sa matataas na na opisyal ng militar ng 4th Infantry Division ang isang NPA platoon commander at pito nitong mga tauhan matapos sumuko sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte.

Dakong alas-otso ng umaga nang sumuko kay 23rd Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Julius Cesar Paulo Jr. si Khim Agad Mapoy alias Patrick, binata, 27, na siyang front secretary ng Guerilla Front 4A (GF4A) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) bitbit ang isa niyang caliber .45 pistola kasama ang isang magazine at limang mga bala.

Kasama niyang sumuko ang kanyang kuya na si Loreto Agad Mapoy alias Arvin, may asawa, 34, commanding officer naman ng Platoon Joker sa GF4A ng NCMRC bitbit ang isang caliber .9MM pistol na may isang magazine at limang mga bala.

Kasama pa sa sumuko ang dalawang mga dalagang key leaders ng Platoon Joker na nakilalang sina Mary Chris Callanta alias Noem, 24, political guide ng Squad Uno, Platoon Joker, GF4A, NCMRC; at Arlene Egom alias Joan, 30, medic ng Squad Dos, Platoon Joker, GF4A.

Ang iba pang mga CTG members na sumuko sa pinagsanib na pwersa ng 23IB at Buenavista Municipal Police Station ay nakilalang sina Rolando Morata alias Pang, may asawa, 52, political instructor ng GF4A, NCMRC bitbit ang dalawang M16 Rifles; Revoden Morata alias Denden/Sidlak, may asawa, 29, dating miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Kingdom, GF4A, NCMRC bitbit naman ang isang CZ550 sniper rifle; at Rexdale Morata alias Rex, binata, 24, dating miyembro ng SYP Kingdom, GF4A, NCMRC bitbit naman ang isag M16A1 rifle at isang magazine.

Ito’y maliban pa sa dalawang mga CTG members na inabandona ang armadong pakikibaka na nakilalang sina Junrey Tinun-ogan alias Mikmik/Jovan, binata, 22, miyembro ng Squad Uno ng Platoon Diego; at Rowell Cardoniga alias Dennis, binata, 32, dating miyembro ng SYP Kingdom, parehong mula sa GF4A, NCRMC bitbit ang dalawang caliber .45 pistol na may dalawang mga magazines at anim na mga bala.