-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na nabawi ng pulisya ang halos isang milyong-pisong cash na tinangay ng apat na mga hold-uppers matapos silang mahuli sa isinagawang hot pursuit operation ilang minuto lang matapos nilang holdapin ang binatang si Raymark Babor Codaste, 26-anyos, residente sa Purok 7, Brgy. Ampayon nitong lungsod.

Nakilala ang mga nahuli na sina George Dalapo Javerez, 46-anyos, residente sa Purok Bayanihan, Brgy. Banaybanay, Davao Oriental; Gemar Solidaga Tipan, 36-anyos, minyo, residente sa Bucana Piso, sa susamang lungsod; Llyod Nubbin Banquisio, 29-anyos, residente sa P 4, Calubihan, sa susamang lungsod ug Manilito Paragas Linda, 42-anyos, residente sa P2, Brgy. Del Pilar, Mabini, sa Compostela Valley.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police Office Director PCol Marco Archinue, nga habang sakay sa kanyang motorsiklo ang biktima mula sa BDO Montilla Boulevard Branch at ihahatid sana ang pera sa kanilang manger sa Brgy. Ampayon, bigla nalang itong nilapitan ng mga suspetsadong sakay ng dalawang motorsiklo at nagdeklara ng hold-up sabay tangay sa itim na backpack na may lamang 900-libo, 70- piso.

Kaagad na tumakas ang mga suspetsado ngunit nahuli sila sa mga rumesponding pulis at nakuha mula sa kanilang posisyon ang dalawang caliber .45 na pistola, mga pitaka na may iba’t ibang identification cards, apat na mga cell phones at ang kwarta ng biktima.

Dagdag pa ni Col. Archinue, daling nahuli ang mga tulisan dahil sa mga saksi na tumulong na rin sa pagtugis ng mga hold-upper.

Base sa kanilang nakuhang initial records laban sa mga responsable, napag-alamang maykagaya na rin ilang mga records sa ibang rehiyon sa pulo ng Mindanao.