-- Advertisements --
SKOPJE, North Macedonia – Apat katao ang inaresto matapos ang malaking sunog sa concert sa North Macedonia.
Nabatid na nakita ang mga suspek na may kahina-hinalang kilos bago ang nasabing insidente.
Una rito, nasawi ang halos 60 katao at sugatan ang 155 na iba pa sa sunog sa isang nightclub.
Sumiklab ang apoy sa Pulse Club sa Kocani kung saan nasa 1,500 indibidwal na karamihan ay kabataan ang dumalo sa konsiyerto ng DNK, isang sikat na hip-hop duo sa nasabing bansa.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng naging pinsala.