-- Advertisements --

NEGROS ORIENTAL – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring ambush sa Negros Oriental na ikinasawi ng apat mula sa pwersa ng pamahalaan.

Kinilala ang mga nasawi na sina police Corp. Relebert Beronio; police Patrolmen Raffy Caliao, Roel Cabillion at Marquino De Leon, kapwa mga intel personnel ng Regional Mobile Force Batallion.

Sa panayam ng Bombo Radto sinabi ni police Staff Sgt. Junjie Lastimoso na biglaan ang naging engkwentro sa pagitan ng mga pulis at pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) members.

Agad umanong tumakas ang mga salarin nang mabatid na patay na ang mga pulis.

Matapos ang insidente, rumesponde ang kalapit na mga opisyal ng Brgy. Makabato sa bayan ng Ayungon.

Aminado si Lastimoso na may mga natatanggap na silang ulat ng NPA sightings sa lugar.