CENTRAL MINDANAO – Nahuli ng mga otoridad ang apat na katao na naglalaro ng mahjong sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Nelia Arpolar, Vicente Palarisan, Nestor Jeleron, at Marivic Meria, mga residente ng Barangay Poblacion Nuro, bayan ng Upi.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Office Director, PCol. Arnold Santiago na sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Regional Field Unit ng CIDG-BARMM katuwang ang Upi Municipal Police Station at 1401st Regional Mobile Force Company (RMFC) ng PNP ang isang bahay kung saan nagmamahjong ang mga suspek.
Narekober ng mga otoridad ang mahjong tiles, P700 na pera at mga personal na kagamitan ng mga suspek.
Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act at Violation on the Proclamation No. 922 s. 2020.