CENTRAL MINDANAO-Gumaling na ang apat katao na nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa bayan ng Carmen North Cotabato.
Ito mismo ang kinumpirma ni Carmen Mayor Moises Arendain kung saan ang mga pasyente ay Locally Stranded Individuals (LSIs) na galing sa mga high risk area sa bansa.
Nang dumating sa probinsya ang mga LSIs at ROF ay agad silang dinala sa mga isolation facility para hindi na makahawa sa kanilang pamilya at nang kunan sila ng swab samples ay nagpositibo sa Covid 19 RT-PCR test.
Kinomperma rin ni Mayor Arendain na nasa maayos na kondisyon ang apat,asyptomatic at gumaling na.
Sa ngayon ay matatawag na Covid 19 free positive case ang bayan ng Carmen Cotabato kung saan ay binuksan na rin ang bagong tayong isolation facility nito sa gilid ng Carmen District Hospital.
Nagpaalala naman si Mayor Arendain sa mamamayan ng Carmen na maiging sundin ang mga health protocols kagaya ng paggamit ng facemask,faceshield,physical distancing at iba pa para iwas sa Covid 19.
Samantala,pinaigting rin ng LGU-Carmen ang pagbabantay sa mga borders checkpoint kontra African Swine Fever (ASF).
Matatandaan na tatlong bayan na sa probinsya ng Cotabato ang tinamaan ng ASF ang mga alagang baboy nito sa mga bayan ng Magpet, Arakan at President Roxas.