BUTUAN CITY – Matagumpay na na-rescue ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Surigao City sa lalawigan ng Surigao del Norte ang apat na katao matapos tumaob ang kanilang sinasakyang motorbanca kahapon habang sila’y naglalayag mula sa Brgy. San Juan at patungo sanang Brgy. Alegria ng nasabing lungsod.
Kinumpirma ng mga rescuers na walang namatay o kaya’y nasugatan sa nasabing insidente ngunit ang nailigtas na menor-de-edad ay nakaranas ng mild hypothermia.
Kaagad na nai-deploy ng emergency teams ang mga ambulansya, isang rescue vehicle at isang speedboat para sa aarang pagbibigay ng first aid sa mga na-rescue habang nai-tow naman ang tumaob na bangka sa Nueva Basin.
Kaagad din silang dinala sa Caraga Regional Hospital para sa sa medical assessment.