CENTRAL MINDANAO-Ligtas na ang kalagayan ng apat katao na nawalan ng malay sa loob ng kanilang sasakyan sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga biktima ay mga residente ng Barangay Anonang Midsayap Cotabato.
Ayon kay Datu Montawal Chief of Police 1Lt Nurjhasier Sali na lulan ang mga biktima sa isang Toyota Vios kulay pula at may-plakang POH-407 mula sa bayan ng Midsayap Cotabato patungong Davao City.
Pagsapit nila sa bahagi ng Barangay Tunggol Datu Montawal Maguindanao ay nakaramdam ito ng pagkahilo kaya silay tumabi sa gilid ng national highway malapit sa Tunggol National High School.
Nagtaka ang mga residente dahil nakaparada lamang ang kotse at hindi lumabas ang mga sakay.
Kaya agad nagresponde ang mga pulis,rescue unit at mga opisyal ng bayan kung saan nadiskubre na halos hindi na gumagalaw ang mga biktima ngunit may hininga pa.
Agad dinala ang apat sa Albutra Medical Hospital sa Kabacan Cotabato.
Kinomperma naman ng unang ginang ng bayan ng Datu Montawal na si Bai Kristel Kambang Montawal na nasa ligtas ng kalagayan ang mga biktima.
Carbon Monoxide poisoning ang nangyari sa apat na sakay ng kotse nang magkaroon ng leakage ang aircon ng sasakyan at nalanghap nila ang amoy.
Todo pasasalamat naman ang mga biktima sa mga residente ng Datu Montawal,pulisya,LGU at sa lahat nang tumulong para silay mailigtas.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Montawal PNP sa naturang pangyayari.