-- Advertisements --
Aabot sa mahigit P6 milyon na hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang babae at apat na lalaki sa West Rembo, Makati City.
Pawang mga residente ng lungsod ng Maynila ang naarestong suspek sa buybust operations sa isang bahay sa nasabing barangay.
Sinabi ni Police. Col Harold Depositar, hepe ng Makati City Police, na unang nagkasundo ang kanilang operatiba na bumili ng droga sa Kalayaan Avenue pasado alas-9 ng gabi at sa isinagawang follow upa at natunton ang apat na suspek.
Inihahanda na ng kapulisan ang nasabing kaso laban sa mga suspek.