Inihayag ng Police Regional Office-3 na apat ang nalunod ngayong Semana Santa sa Central Luzon.
Ang mga biktima ay dalawang menor de edad at dalawang nasa hustong gulang na mula sa Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales.
Sa kabilang banda, iniulat naman na dalawang indibidwal ang nailigtas mula sa pagkalunod sa lalawigan ng Aurora.
Nagtalaga naman ang Police Regional Office-3 ng 1,000 pulis para matiyak ang kaligtasan ngayong Semana Santa at summer vacation.
Ayon kay Police Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr., PRO-3 chief, lubos silang nakahanda na ipatupad ang “summer” public safety campaign na tinatawag na “Ligtas Sumvac 2024” mula Abril 1 hanggang Mayo 31.
Ani Hidalgo, inutusan niya ang lahat ng city at provincial directors ng iba’t ibang police provincial at city police offices na tiyakin ang ligtas na paglalakbay ng mga motorista at commuters sa summer vacation.