-- Advertisements --

Pumalo na sa apat na katao ang naitalang namatay kabilang ang gunman habang aabot na sa 10 indibidwal ang sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa isang hospital campus sa Tulsa, Oklahoma.

Ayon kay Tulsa Police Department Deputy Chief Eric Dalgleish, nagtamo ng gunshot wound ang gunman na pinaniniwalaang self-inflicted.

Inilarawan din nito ang pinangyarihan ng krimen na isang catastrophic scene.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa active shooter sa Natalie Medical Building, isang physicians’ office building sa St. Francis Hospital campus kung saan nagmula ang alingawngaw ng putok ng baril sa ikalawang palapag ng nasabing ospital.