-- Advertisements --

Nasawi ang 4 na katao kabilang ang isang buntis sa nangyaring pagguho ng lupa sa may Agoncillo, Batangas dahil sa patuloy na mga pag-ulan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Agoncillo nitong araw ng Miyerkules, nangyari ang landslide sa may Sitio Manalao sa Subic Ilaya.

Iniulat ng LGU na isang 28 anyos na babae na 6 na buwang nagdadalang tao kasama na ang 3 minors edad 9, 13 at 15 anyos ang namatay sa landslide.

Sa ngayon, patuloy ding nakakaranas ang Batangas ng mga pag-ulan dahil sa habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina.