-- Advertisements --

Pinatay ng dating NFL palyer na si Philip Adms ang limang katao na kinabibilangang ng isang doktor, asawa nito at dalawang apo ng biktima bago ito nagpakamatay sa South Carolina.

Ayon kay York County Sheriff Kevin Tolson, na maaaring pinasok ng 32 -anyos na si Adams ang bahay ni Dr. Robert Lesslie sa Rock Hill at binaril niya ito kasama ang asawa nitong si Barbara Lesslie at dalawang apo ng biktima na may edad lima at siyam na anyos sa kanilang bahay.

Kabilang din na binaril ang isang air-con technician na si James Lewis na siyang tumawag sa 911 at ito ay dinala na sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.

Nakita naman ang bangkay ni Adams hindi kalayuan sa nangyaring insidente.

Naging defensive back player mula 2010 hanggang 2015 sa iba’t-ibang koponan gaya ng San Francisco 49ers, Seattle Seahawks, Oakland Raiders, New York Jets at Atlanta Falcons.