-- Advertisements --
I-dedeploy na ang paunang apat na Leopard 2 tanks na ibibigay ng Canada sa Ukraine upang matulungan ito na labanan ang mga patuloy na pag-papaulan ng missile ng Russia sa gitna ng kanilang digmaan.
Ayon kay US Defense Minister Anita Anand, magtatalaga sila ng mga eksperto para sanayin ang mga sundalong Ukrainian para patakbuhin ang nasabing mga tangke.
Kaugnay niyan, ang Canada ay mayroong 82 German-made Leopard tanks ngunit hindi lahat ay handa para sa digmaan.
Una na rito, ang Pangulo ng Ukraine na si Volodymyr Zelensky ay mahigpit na humiling sa mga kaalyadong Western na mag-supply ng mabibigat na tangke upang suportahan sila sa gitna ng nagaganap na digmaan laban sa Russia.