Naglabas ng joint statement ang lider ng mga makakapangyarihang bansa na kasapi sa North Atlntic Treaty Organization (NATO) laban sa nagpapatuloy na pag-atake ng teroristang grupong Hamas sa Israel.
Binubuo ito ng mga lider ng United States, Germany, Britain, France, at Italy.
Batay sa nilalaman ng naturang pahayag, nakasaad dito na mananatiling ally at kaibigan ng Israel ang mga naturang bansa, at sususportahan ang pamahalaan ng Israel sa pagdepensa nito sa kanyang sarili.
Nakasaad din sa naturang pahayag na magtutulungan ang mga naturang bansa upang mapanumbalik ang kapayapaan sa Middle Eastern Region.
Inilabas ang joint statement matapos ang pag-uusap sa pagitan nina US president Joe Biden, UK prime minister Rishi Sunak, French president Emmanuel Macron, German chancellor Olaf Scholz, at Italian prime minister Giorgia Meloni.
Maalalang nagsimula ang kaguluhan sa nturang bansa noong Oktobre -7, matapos ang pag-atake ng grupong Hamas na ikinasawi ng mahigit 1,500 na katao.