-- Advertisements --

Kailangan munang magkaroon ng malinaw na panuntunan sa donasyon ng Land Transportation para matiyak ang transparency nito.

Binigyang linaw ni Assistant Secretary Vigor Mendoza II chief ng LTO sa gitna ng pagpigil niya sa donasyong apat na milyong plastic cards ng isang medical clinic.

Ayon kay Mendoza legal at wala namang problema ang donasyon ng Philippine Society of Medicine for Drivers.

Sa katunayan nabigyan na ng go signal ang office of the Solicitor General para tanggapin ng ahensya ang donasyon.

Dagdag pa ng opisyal na hindi ang ahensya at ibang ahensya na lamang ang gagawa ng panuntunan para sa naturang donasyon.