-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapagaling na ang apat na estudyante na nasugatan matapos manalasa ang ipo-ipo sa maraming bahay, government buildings, mga paaralan at moske sa Barangay Proper, Marogong, Lanao del Sur.

Unang tinamaan ng ipo-ipo ang 15 kabahayan at ibang gusali na nagdulot nang abala sa nasa halos 30 pamilya sa lugar.

Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Saripada Pacasum Jr., kabilang sa nabigyan ng hospital medication ay sina Saima Victory, Jawad Camlon, Nurhada Ameraol at Nurmalia Maruhom.

Inihayag ni Pacasum na kasalukuyang nakikisilong ang apektadong mga pamilya sa kanilang mga kaanak habang inaabutan naman ng tulong ng municipal government.

Una rito, nagpapasalamat ang mga tao na dakong umaga nang manalasa ang ipo-ipo dahil nakikita pa nila ang galaw nito sa Barangay Proper noong Sabado ng hapon.

Sa mga nakalipas na taon ay dinaanan na rin ng ipo-ipo ang Lanao del Sur.