-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Mahaharap sa apat na kasong murder ang nadakip na lalaking itinurong nagmasaker sa pamilya ng kanyang kapatid na nagresulta sa pagkamatay ng apat na miyembro ng pamilya Ravelo.

Nakilala ang mga biktima na sina Rogelio Ravelo Jr., dating overseas Filipino worker, asawa nitong si Alfonsita Ravelo isang elementary teacher at mga anak na sila RJ L. Ravelo, 9, at CJ L. Ravelo, 3, na parehong mga residente ng Sitio Gapas-Gapas, Brgy. San Pedro, bayan ng Cantilan, Surigao del Sur.

Ayon kay Cantilan Municipal chief of police Captain Ferdinand Tavares, ang suspek ay ang mismong kapatid ng asawa ng biktima na nakilalang si Alex Roales na meron daw diperensya sa pag-iisip.

Lumabas na inisyal na imbestigasyon na away sa lupa at utang ang posibleng motibo sa krimen.

Pawang nagtamo ang apat na biktima ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Napag-alamang patakas na sana ang suspek ng madatnan ito ng kapulisan.