-- Advertisements --

Marines1

Pormal ng nag-assumed bilang bagong Philippine Marine Commandant si MGen. Ariel Caculitan, kapalit ni MGen. Nataniel Casem na nagretiro na sa serbisyo.


Ang Change of Command at Retirement of Honors para kay MGen. Casem ay pinangunahan mismo ni Philippine Navy Flag-Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Giovanni Bacordo.

Mataas ang tiwala at kumpiyansa ni Bacordo kay Caculitan na pamunuan ang Philippine Marines.

Si Caculitan ay isang accomplished at highly skilled Marine Officer na na-assigned sa ibat ibang pwesto.

Kilalang combat officer din si Caculitan na na-assign sa Maimbung,Sulu bilang commanding officer ng MBLT-4.

Marines2

Sa pag-upo ni Caculitan bilang bagong Marine Commandant, kaniyang pakatutukan ang apat na major capabilities ng Philippine Marines.

Ito ay ang National Manuever Amphibious Force, Coastal Defense, Special Operations at Humanitarian Aid and Disaster.

Palalakasin din ni Caculitan ang ang Reserve Force Development partikular ang integration ng mga Marine Reservists sa regular force.

Si Caculitan ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) MAKATAO Class of 1989, isang naval aviator na nakakuha ng “Best Flying” award.