-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Apat na myembro ng Armed Lawless Group (ALGs) ang sumuko sa pulisya sa Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Norodin Sinsuat, Thong Usman, Amil Sia at Esmael Mohammad, mga residente ng Datu Blah Sinsuat Maguindanao.

Sumuko ang mga suspek sa pulisya at sa pakipagtulungan kay Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat.

Isinuko ng grupo ni Norodin Sinsuat ang dalawang M16 Armalite rifles,isang Garand rifle,isang M79 grenade launcher,mga bala at magazine.

Dati nang isinangkot si Sinsuat sa kasong pagpatay noong 2010 ngunit binasura ng korte dahil sa kakulangan ng ebedensya.

Pinuri naman ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Bregadier General Samuel Rodriguez si Mayor Mashall Sinsuat na tumulong sa negosasyon sa pagsuko sa mga suspek.

Matatandaan na tumanggap ng parangal (special citation) mula kay Bangsamoro Local Government Minister Naguib Sinarimbo at PDEA-BAR Regional Director Juvenal Azurin si Mayor Sinsuat dahil sa kampanya nito kontra kreminalidad,pinagbabawal na droga,peace and order at pagsisikap nito na mapaunlad pa ang bayan ng Datu Blah Sinsuat.