CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang sanggol sa pumutok na cellphone charger at pagkasunog ng bahay sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang biktima ay residente ng SPDA Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Sa ulat BFP-DOS ay pumutok umano ang isinaksak ng cellphone charger at biglang nagliyab ang apoy sa loob ng bahay.
Ang bahay ay gawa sa light materials kaya agad na kumalat ang apoy at nasunog ang natutulog na bata.
Naglalaba ang ina sa labas kaya hindi na nito nagawang iligtas ang kanyang sanggol habang nagtratrabaho ang kanyang ama.
Humihingi ng kapatawaran ang ina sa kaniyang baby dahil hindi niya ito nailigtas mula sa kapahamakan.
Nagpaalala ang BFP-DOS sa mamamayan na mag-ingat at ‘wag bum:li ng substandard na cellphone charger.