-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kaagad na isinailalim sa custodial debriefing sa General Santos City Police Office (GSCPO) ang apat na miyembro ng isang private armed group, matapos boluntaryong sumuko sa otoridad.

Ayon kay Police Major Patrich Elma, ang hepe ng Makar Police Station na pawang miyembro ng Mudia Clan na naka-base sa Gensan ang surenderees na kinilala na sina Benjie Mudia, ang itinurong lider ng nasabing grupo; Danny Mudia; Sammy Mudia at Jerry Mudia.

Sinabi nito na ang pagsuko ng mga ito matapos ang paghikayat ni Datu Fulong Dan Alim, ang Presidente ng Indigenous People Alliance Movement and Regional Advisory Council.

Sa pagsuko ng apat , bitbit ng mga ito ang dalawang units ng baril ng 9mm pistol at improvised 5.56mm pistol at mga bala.

Sangkot ang grupo sa pangunguha ng lupain sa Gensan at pagtatago ng baril.