-- Advertisements --

Matagumpay na lumapag sa mundo ang apat na amateur astronaut lulan ang Inspiration4 ng SpaceX capsule.

Ito ang unang private at all-civilian team na nagtungo sa orbit ng mundo.

Dahan-dahang lumapag ang apat na parachute sa karagatan Atlantic Ocean.

Pinangunahan ng bilyonaryong si Jared Isaacman, 38-anyos ang chief executive ng Shift4Payments Inc. isang e-commerce na kumpanya, ang nasabing mission.

Kasama nito sina Sian Proctor, 51; physician assistant at childhood bone cancer survivor na si Hayey Aceneaux, 29-anyos; at aerospace data engineer at Air Force veteran na si Chris Sembroski.

Mapupunta ang nalikom na pondo sa St. Jude Children’s Research Hospital sa Tennessee.

Ito na ang pangatlong beses na pagbiyahe sa kalawakan ng kumpanya ni Elon Musk na nagdala ng tao sa kalawakan.

Magugunitang noong Miyerkules ng lumipad pakalawakan ang SpaceX sa Florida at nanatili sila ng tatlong araw sa kalawakan.