-- Advertisements --

LA UNION – Apat na ang naitalang gumaling sa Covid 19 sa La Union.

Una rito si Patient # 21, 50 anyos na babae mula sa Barangay Santa Ana, sa bayan ng Agoo; ikalawa si patient #23 na isang 57 year old female mula sa Barangay San Carlos, sa bayan ng Caba; patient # 24 na 69 year old female mula sa Brgy. Baraoas, sa bayan ng Naguilian; at pang-apat si parient #37 na isang 44 year old male mula sa Barangay Sevilla, dito sa San Fernando City.

Ang nasabing mga pasyente ay pare-parehong nadischarge mula sa Ilocos Training Regional & Medical Center (ITRMC).

Kaugnay nito, lumabas sa isinagawang test sa kanila na pare-preho silang nag-negatibo sa nasabing virus.

Sa ngayon ay naka home quarantine pa rin ang mga nasabing mga pasyente.