-- Advertisements --

(Update) NAGA CITY – Muling nadagdagan ang bilang ng mga namatay sa Candelaria, Quezon dahil sa umano’y pag-inom ng lambanog.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col Jezreel Calderon, hepe ng Candelaria-PNP, kinumpirma ito na binawian na rin ng buhay si Fernando Aguilar, 54, isa sa pitong katao na unang isinugod sa ospital noong isang araw matapos mag-inuman gamit ang naturang uri ng inumin.

Maalala na una nang binawian ng buhay ang dalawa kasamahan nito na sina Ernesto Aguilar at Christian Aguilar na na-comatose muna ng ilang araw.

Maliban sa tatlo, ayon kay Calderon may isa pang katao ang umano’y isinugod sa ospital at binawian ng buhay na pinaniniwalaang nakainom din ng lambanog.

Sa ngayon, hinihintay na lamang aniya ang resulta ng eksaminasyon ng isinagawa ng Food and Drugs Administration (FDA) sa sample na kinuha sa mga ininom ng mga biktima.