-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot na sa apat ang naitalang casualties sa Western Visayas kasabay ng pananalasa ng bagyong Odette.

iloilo Odette effects

Ang unang casualty ay si Rosalyn Gustilo, 54, residente ng Barangay Sambag, Jaro, Iloilo City.

Si Gustilo ay namatay matapos madaganan ng puno ng kawayan ang kanilang

Sunod naman na namatay ay ang mag-asawa mula sa Barangay Ravina Sur, Sibunag, Guimaras.

Ang mag-asawa ay sina Virginia Palencia, 62, at ang mister naman nito ay si Rudolfo Castro, 76.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sibunag Guimaras, lumikas ang mag-asawa sa kanilang bahay kubo matapos nasira ang kanilang bahay bunsod ng malakas na hangin.

Nang lumipat ang mga ito sa bahay kubo, nadaganan sila ng puno ng Buri.

Napag-alaman na na-deform ang mga mukha ng biktima.

Meron ding report na isang security guard sa isang unibersidad ang namatay at patuloy pa itong kinukumpirma.

Sa ngayon, patuloy ang assessment ng Regional Disaster Reduction and Management Council sa pinsala ng bagyo sa rehiyon.