BUTUAN CITY – Matagumpay na nailunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Caraga ang apat na araw na 2021 Buy Caraga By Caraga: Balangay Edition Trade Fair sa may Atrium ng SM City Butuan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Assistant Regional Director Gay Tidalgo, na sinalihan ito ng 95 mga maliliit na negosyanteng mula sa limang mga lalawigan nitong rehiyon na nag-exhibit ng kanilang mga produkto.
Nilinaw ng opisyal na layunin nito na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na syang na-apektuhan nang magsimula ang COVID-19 pandemic nitong nakaraang taon.
Bunga umano ito sa patuloy nilang paghahanap ng mga paraan upang matulungan silang maka-sustain sa kanilang negosyo.
Libre umano ang pagsali ng mga negosyante dahil subsidized ito ng kanilang ahensya, maibenta lamang ang kanilang mga produkto.
Kaugnay nito’y nanawagan siya sa lahat na suportahan ang nasabing trade fair sa pamamagitan ng pagbii ng mga naka-display na mga produktong tatagal pa hanggang sa Mayo a-16.