-- Advertisements --

Napatay ng mga kapulisan sa Pakistan ang apat na armadong kalalakihan na nasa likod ng pamamaril sa stock exchange office ng nasabing bansa.

Unang pinagbabaril ng mga suspek ang nasabing opisina na nagdulot ng pagkasawi ng dalawang guwardiya, isang pulis at ikinasugat ng pitong iba pa.

Bago ang atake ay naghagis pa ng granada ang mga suspek sa gate ng nasabing gusali.

Sinasabing ang grupong Baloch Liberation Army ang nasa likod ng pang-aatake sa nasabing opisina.

Ayon kay director-general ng paramilitary Sindh Rangers force Omer Ahmed Bukhari na sa loob lamang ng walong minuto ay kanila ng napatay ang mga armadong suspek.