-- Advertisements --

Ipinakilala ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga astronauts na magtutungo sa buwan.

Ang nasabing lunar mission ay 50 taon matapos ang kauna-unahang pagtapak sa buwan ng isang tao.

Sa bagong crew ay kinabibilangan ng unagn babae at African-American astronauts.

Ang 44-anyos na si Christina Koch na isang engineer ay may hawak na record na may pinakamahabang tuloy-tuloy na spaceflight ng isang babae na bahagi ng unang tatlong all-female spacewalks ng NASA.

Siya rin ang naging mission specialist para sa Artemis II lunar flyby na inaasahang lilipad sila ngayong taon.

Makaksama niya sina Victor Glover,46-anyos na isang US Navy aviator at beterano sa apat na spacewalks siyang itinalagang piloto ng Artemis II na siya ang magiging unang Black astronaut.

Ang dalawang iba pa ay sina Jeremy Hansen na isang Royal Canadian Air Force colonel at unang Canadian na lilipad sa buwan na siyang mission specialist at ang huli ay ang 47-anyos na si Reid Wiseman na dating US Navy fighter pilot na pinangalangang mission commander.

Tanging si Hansen ang spaceflight rookie dahil ang tatlo ay NASA astronauts na napili na noon pang Artemis II mission at beterano na sa mga nagdaang mga expeditions.

Mag-iikot ang Artemis II sa may 10,300 kilometers na bahagi ng buwan bago sila bumalik.