-- Advertisements --
Patay ang apat na Australian army aircrew members matapos ang pagbagsak ng kanilang sinakyang helicopter sa Rockhampton, Australia.
Ayon kay Australian Defence Minister Richard Marles na kinilala ang mga biktima na sina Captain Danniel Lyon, Lieutenant Maxwell Nugent, Warrant Officer Class Two Joseph Laycock at Corporal Alexander Naggs.
Ang mga biktima ay kabilang sa ginawang joint wargames ng US.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad ay napilitan ang piloto na ibagsak na lamang sa dagat ang MRH-90 Taipan helicopter ng makitang nagkaroon ng aberya ito.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.