-- Advertisements --

Nasa apat na bagong silang na sanggol ang nasawi sa naganap na sunog sa neonatal ward sa Madhya Pradesh.

Nailigtas naman ng mga bumbero ang 36 na sanggol mula sa Kamla Nehru Children’s Hospital sa Bhopal.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

Magpapaabot naman ng tulong si Chief Minister Shivraj Singh Chouhan kung saan bibigyan sila ng mga tig-$5400 sa pamilya ng mga bikitma.