-- Advertisements --

Nagsumite ang apat na bansa ng kanilang intensiyon na maging host ng 2026 Women’s Asian Cup.

Ayon sa Asian Football Confederation (AFC) na kinabibilangan ito ng Saudi Arabia, Australia, Jordan at Uzbekistan.

Sakaling mapili ang Saudi Arabia ay siyang magiging kauna-unahang opisyal na international women’s tournament.

Nitong Pebrero kasi ay unang naglaro ang womens’ football team ng Saudi Arabia.

Noong 2006 ay naging host na ang Australia habang noong 2018 ay nilaro ito sa Jordan.

Tanging ang Saudi at Uzbekistan ang hindi pa nakapaghost ng nasabing torneo.

Dagdag pa ng AFC na makikipag-ugnayan sila ng Bidding Member Association para malaman ang magiging susunod na host at ito ay iaanunsyo sa 2023.

Nakuha ng China ang Women’s Asian Cup ng talunin ang South Korea sa finals ng 2022 tournament na ginanap sa India.