Napili ang Canada, Croatia, Lithuania at Serbia bilang lugar kung saan gaganapin ang qualifying basketball tournaments para sa 2020 Tokyo Olympics.
Magaganap ang nasabing tournaments mula June 23 hanggang 28.
Bawat bansa ay magho-host ng anim na team-event kung saan bawat mananalo ay may tsansa para sa Tokyo Games.
Bukod sa nasabing mga nabanggit na bansa ay mayroong 20 ibang bansa pa ang kukumpleto sa last four spots.
Kinabibilangan ito ng Slovenia, Angola, Senegal, Mexico, Uruguay, China , Korea, Greece, Russia , Brazil, Italy, Puerto Rico, Turkey, Dominican Republic, Venezuela, Germany, Czech Republic, Poland, New Zealand at Tunisia.
Magugunitang naging otomatikong kwalipikado na ang Japan bilang host country habang pasok na rin sa Olympics ang U.S., Argentina, Nigeria, Spain, Iran, France at Australia matapos na manguna sa nagdaang qualifying tournaments.
@
Pi