-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isinailalim sa localized lockdown ang apat na barangay sa Lunsod dahil sa pagkakatala ng kaso ng COVID-19

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Ricky Laggui, Focal Person ng City Interagency Task Force sa mga nakalipas na araw ay bumalik sa double digit ang naitatalang kaso sa kanilang Lunsod mula sa pagiging single digit.

Inihayag ni Ginoong Laggui na naglabas ng Executive Order Number 35 si Punong Lunsod Jose Marie Jay Diaz na nagsasailalim sa localized lockdown sa mga barangay ng Cabanungan Second, Santa Isabel Sur, Calamagui Second at Guinatan

Marami anya ang contact ng mga nagpositibo sa virus sa mga nasabing barangay kayat kinakailangan nila magsagawa ng preventive measure sa pamamagitan ng paglalagay ng Localized lockdown

Nagsimula ang localized lockdown sa apat na barangay ngayong gabi at magtatapos sa gabi ng Biyernes.

Ang lunsod ng Ilagan ay isa sa mga isinailalim sa high risk epedemic classification o nasa high risk level ng DOH region 2.