VIGAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity sa bayan ng San Emilio.
Apat na barangay ang lumahok sa unang yugto ng Dugong Bombo sa nasabing bayan kung saan 62 na successful blood donors ang nagmula sa Brgy. Paltoc, Cabroan, Tiagan, Matibuey.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Dr. Joey Bragado sa kanyang mga kababayan na lumahok sa Dugong Bombo 2020 upang makatulong sa mga taong nangangailangan ng dugo.
Gaganapin ang ika-lawang yugto ng Dugong Bombo 2020 sa nasabing bayan sa Oktubre 20 kung saan ang nahuhuling apat na barangay naman ang makikilahok sa nasabing blood letting activity.
Sa ngayon mayroon ng kabuuang 941 successful blood donors sa walong bayan na pinuntahan ng Bombo radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2020.