KORONADAL CITY- Umabot sa 15 purok sa apat ba barangay sa lungsod ng Koronadal ang isinailalim sa 14 days Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula Setyembre 13 hanggang Setyembre 27 bunsod sa pagdami ng kaso ng covid-19.
Ito ang inihayag ni Mayor Eliordo Ogena sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Mayor Ogena inilabas nito ang Executive Order 38-B dahil na rin sa rekomendasyon ng local IATF sa patuloy na hawaan sa mga bahay.
Kabilang sa mga isinailalim sa granular lockdown ay ang mga lugar sa Brgy. Zone 3, Brgy. Zone 4, Brgy. Sto Niño at pinakamarami sa Brgy. Sta. Cruz na siyang nangunguna sa may pinakamataas na kaso sa lungsod.
Maging ang No movement sunday ay pinalawig din at magiging epektibo sa Setyembre 19 at 26 nitong taon. Sa ngayon punuan pa rin at kinukulang ang mga covid beds sa mga isolation facilities maging ang mga hospital beds ay in full capacity na. Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ng kooperasyon at pang unawa ang alkalde ng siyudad sa lahat ng mga mamamayan.