-- Advertisements --

Patay ang apat na kabataan matapos na nalunod sa Quebec.

Ayon sa tagapagsalita ng Quebec provincial police na kanilang nirespondehan ang tawag sa kanila na mayroong nalunod na mga bata sa Portneuf-sur-Mer.

Pinaniniwalaang kasama ang mga biktima sa mga residente na nangisda sa lugar.

Nalunod lamang mga ito ng biglang tumaas ang alon sa lugar.

Mayroong 11 katao rin ang naiulat na nawawala sa nasabing insidente.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insdente.