ROXAS CITY – Kumpirmado na may presensiya ng mikrobyong Pyrodinium bahamense na nagdadala ng paralytic shellfish poisoning o red tide sa karadagatan ng Pilar, President Roxas, Ivisan at Roxas City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Mrs. Sylvia de la Cruz, provincial agriculturist, sinabi nito na lumabas sa resulta ng water sampling na positibo sa red tide ang naturang mga lugar.
Kasunod nito nagpalabas ng public advisory ang provincial government para maabisuhan ang lahat na pansamantalang iwasan ang pagkain ng shellfish, pagtinda o pagtransport ng anuman uri ng lamang dagat na mula sa nabanggit na lugar.
Nauna rito walong katao ang dinala sa ospital ng makaramdam ng pananakit ng tiyan at nagsusuka matapos kumain ng shellfish na mula sa mga lugar na positibo sa red tide.